Da·men·tol·o·gy [dah-men-tol-uh-jee] noun - the study of the soul, the mind, the relationships, the experiences, the life and the funny side of DAMEN.

Tuesday, July 3, 2007

ANG PANGARAP NI RAMON

PAALALA: Ang kwentong ito ay kathang isip lamang, ang anumang pagkakahawig ng mga pangalan ng tao, lugar at pangyayari sa tunay na buhay ay sadyang pagkakataon lamang.
Isang araw, (sa di kalayuang hinaharap) habang binabagtas ni Ramon ang kahabaan ng EDSA sakay ang kanyang Cadillac Escalade, isang ke laking billboard ang ang pumukaw sa kanyang paningin. Ito ay isang billboard na nag eendorso na isang sikat na sikat at ubod ng class na brand ng damit...B.U.M. Equipment. Hindi ang damit...hindi ang mapang-akit na pose ng modelong babae ang tumawag pansin kay Ramon kundi ang ganda ng mukha ng modelo partikular na ang kanyang bibig. Tandang tanda nya ang mukhang iyon at ang bibig na tila mo'y pinag mumulan ng kakaibang ingay.

Bumalik sa kanyang alaala ang lumipas na panahon..panahon nung uso pa ang mga call center. Si Panyang....ang pinakamagandang callgirl ng kanyang panahon at sa balat ng callcenter industry. (*O sya, hindi na pinakamaganda, rereklamo pa eh.) Tandang tanda ni Ramon ang mga panahon yaon at kanya itong muling binalikan...Toonuununnoonnn...tooonuunoonuunnn.

"Alas dos na...tahimik. Wala pa ba sila?! Huling yosi break ko na toh dito...kakainis, ba't kasi kailangan pang lumipat ng RS!?" Pamaya maya'y narinig na nila ang kakaibang ingay na nagmumula sa bukana ng kanilang building na naghuhudyat at para bagang nagsasabing "A few times I've been around that track, So it's not just goin' to happen like that, 'Cause I ain't no holla back girl..I ain't no holla back girl." este...nagsasabing parating na sila... si AM, M1, M2, L2, L3 at si LM. Ang barkadahang kilala sa taguring "MEAN Gurlz". Hayy sa wakas... kala ko di makukumpleto araw ko hehehehe. "Hoy Ramon tapos na break! Isagad mo na tingin mo dahil huling tingin mo na yan hahaha!" ang sabi ng isang kaibigan ni Ramon.

Ang akala nga ni Ramon ay un na ang huling makakasabay nyang magyosi si Panyang aka LM. Hindi nya akalaing isang umaga ang isang imbitasyon mula sa Yahoo 360 ang bubulaga sa kanya at magpapabago ng kanyang buhay. Ang simula ng isang magandang samahan at pagkakaibigan.

WHOOOHOOO!!! YES!....YES!!!...YES!!!!! Ito ang mga huling katagang nagwakas sa kanyang pagbabaliktanaw.

Matapos nyang ipark ang kanyang Cadillac Escalade, sa likuran ng isang building sa Makati kung saan sya kasalukuyang nagtratrabaho bilang isang Manager, dali dali nyang hinanap ang kanyang organizer. Sabay hanap sa pangalang "Panyang". Ngiti ang bumalot sa kanyang mukha ng nakita nya ang numero ng cellfone nito. Wala syang inaksayang oras at itoy kanyang itinext...

"Hey! I saw ur billboard sa EDSA...naks! Na2pad mo n rin pla pangarap mo :) - Ramon".

Ilang sandali pa'y nagtextback si Panyang...

"Hey Ramon! Yeap! I just signed an xclusve contrct wid B.U.M. as their signature model :) musta na u? I've heard nka Escalade k n raw, natupad mo na rin pangarap mo?!".

Nagtextback ulit si Ramon...

"Matagal ko na po natupad pangarap ko.."

Nagtextback ulit si Panyang...

"Huh?! ano un? kelan? pa nu?"

Sa pagtextback ni Ramon, kanyang iniforward ang isang text message na matagal nang inuumag na sa kanyang inbox......

===============
Nsan k n fotah ka?

Sender:
Panyang Sun
+639221434454
===============

No comments: