Batangenyong Amerikano:
Sa Lipa, Batangas, may dalawang magkapatid na Fil-Am, si Michael at si Jackson. Ang kanilang ina ay naanakan ng isang G.I. sa Subic, hindi nila nakilala ang kanilang ama. Lumaki ang dalawa sa Batangas, dahil sa may dugong Amerikano, silang dalawa ay puti at mukha talagang Kano. Dumating ang panahon na magbinata ang dalawa at mag aaral na ng college sa Maynila. Bago lumuwas ng Maynila, silang dalawa ay may napag usapan.
Michael: "Ala'eh kuya, kailangan pag tayo'y nasa Maynila na ay dapat tayo'y mag-ingles. Nang tayo naman ay magpagkamalang tunay na Amerikano ba gah.
Jackson: "Ala'ey maganda yang naisip mo Jackson... sigurado bagang papansinin tayo ng mga chicks nuon ay!".
Nung sila ay nasa Maynila na, sa loob ng unibersidad na kanilang pinasukan, may mga nakatambay na mga chikas... ito na ang pagkakataong hinihintay ng dalawa. Nag hiwalay sila ng pwesto at kunwari'y nagkasalubong at ngayon lang ulit nagkita...sabay:
Jackson: "Ala'ehhyy how are you gah?"
Michael: "Ala 'ehhyyyy I'm fine eh!"
Hehehehe English speaking nga lol.











Isang araw, (sa di kalayuang hinaharap) habang binabagtas ni Ramon ang kahabaan ng EDSA sakay ang kanyang Cadillac Escalade, isang ke laking billboard ang ang pumukaw sa kanyang paningin. Ito ay isang billboard na nag eendorso na isang sikat na sikat at ubod ng class na brand ng damit...B.U.M. Equipment. Hindi ang damit...hindi ang mapang-akit na pose ng modelong babae ang tumawag pansin kay Ramon kundi ang ganda ng mukha ng modelo partikular na ang kanyang bibig. Tandang tanda nya ang mukhang iyon at ang bibig na tila mo'y pinag mumulan ng kakaibang ingay.
